^

PM Sports

400 atleta kakatawan ng Pinas sa Singapore SEA Games

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang Team Philippines ay kakatawanin ng 400 athletes kabilang ang mga pambatong Gilas cadet players at U-22 Azkals team sa Southeast Asian Games sa Singapore.

Ayon kay chef de mission Julian Camacho, inindorso ng management committee ang 400 slots mula sa 33 sports sa Philippine Olympic Committee matapos ang ilang serye ng meeting at deliberations.

Ngunit sinabi ni Camacho na maaaring mabawasan ang bilang ng ipapadalang atleta kung mawawala ang women’s volleyball team dahil sa ‘di pa naaayos na problema sa pamunuan ng volleyball federation.

“Eksaktong 400, maraming team sports dito,” sabi ni Camacho kahapon patungkol sa mga entries sa men’s at women’s basketball, softball, rugby sevens at men’s football.

Sinabi ni Camacho na kahit may problema sa volleyball federation, nag-laan sila ng slot para sa 12-member team.

“We have allotted 12 slots for them. Kung hindi sila sasama, 388 na lang,” ani Camacho.

vuukle comment

ANG TEAM PHILIPPINES

AYON

AZKALS

CAMACHO

EKSAKTONG

JULIAN CAMACHO

NGUNIT

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with