^

PM Sports

Superliga dadayo sa Quezon Province

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dadalhin ang mga volleyball action sa probinsya ng Quezon para sa Spike on Tour ng Philippine Superliga ngayong taon.

Inaasahang pangungunahan ni Quezon Pro-vince Gov. David “Jay-Jay” Suarez ang kanyang mga kababayan sa pagtanggap sa apat na koponan sa women’s division na maglalaro sa PSL All-Filipino Conference sa Abril sa Quezon Convention Center.

Maliban sa mga laro, magdaraos din ang mga organizers ng ilang side events kagaya ng mall tour, meet and greet, outreach program, volleyball clinic, press conference, motorcade, fellowship night at isang men’s exhibition match kung saan itatampok ang mga pinakamagagaling na spikers ng Quezon katapat ang mga Superliga players.

“This is the first time for us to host an event like this and we couldn’t wait to open our doors for the Superliga,” sabi ni Suarez sa kanyang pagpirma ng Memorandum of Agreement kamakailan.

“Bringing Superliga in our province is in line with our sports development program. Our province is already buzzing with excitement. We are all looking forward to an action-packed weekend.”

Sinabi naman ni PSL president Ramon “Tats” Suzara na ang event ang lalo pang magpapalakas sa sports development program ng Quezon Province bukod sa paglalapit ng premier inter-club volleyball league sa bansa sa mga volleyball fans, especially sa Southern Tagalog region.

“We’re trying to reach out to as many fans as possible,” ani Suzara. “That’s why we’re making sure that we hold Spike on Tour in places with vibrant sports program like Quezon Province.”

Dumalo rin sa pirmahan ng MOA sina Sports Core chairman Ariel Paredes, Quezon Province sports director Jonas Guiao at executive assistant Webster Letargo.

Ito ang pang-limang Spike on Tour ng Superliga matapos dumayo sa Cebu, Ilocos Sur, Muntinlupa City at Biñan, Laguna.

Nakatakdang simulan ng Superliga ang kanilang bagong season sa pamamagitan ng annual rookie draft sa March 11. Ang opening ay sa March 21.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ARIEL PAREDES

BRINGING SUPERLIGA

ILOCOS SUR

JONAS GUIAO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

QUEZON PROVINCE

SUPERLIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with