MANILA, Philippines – Bagama’t sigurado na sa semifinals, hindi pa rin nagpabaya ang National University nang tuluyan nilang sibakin ang University of the Philippines, 25-21, 25-16, 25-15 sa pagtatapos ng elimination round ng UAAP Season 77 women’s volleyball sa Filoil Flying V Arena kahapon.
Mahigpit ang panga-ngailangan ng panalo ng Lady Maroons dahil kailangan nilang makapuwersa ng three-way sa fourth place ngunit ipinagkait ito ng Lady Bulldogs nang magsanib sina Jaja Santiago at Myla Pablo sa 29 hits para maitala ang straight sets win.
Nagtapos ang NU finished sa elims na may 8-6 record para sa third place at 6-3 na sila sapul nang lumipat sa kanila si multi-titled coach Roger Gorayeb noong nakaraang buwan.
Dahil talsik na sa kontensiyon ang UP matapos malasap ang ika-siyam na talo sa 14-laro, maghaharap ang University of Santo Tomas at Far Eastern University sa do-or-die playoff para sa natitirang semifinals slot sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena.
Dahil sa 14-0 sweep ng Ateneo, mayroon silang outright championship berth na may thrice-to-beat incentive habang ang La Salle na may 12-2 record sa second place ay may twice-to-beat bonus sa ikalawang step-ladder laban sa mananalo sa unang step-ladder game. Nagtapos naman ang FEU sa fifth place sa men’s division matapos ang 6-8 record nang kanilang igupo ang University of the East, 25-17, 25-22, 22-25, 25-16.
Tinalo naman ng La Salle ang UP, 25-19, 25-19, 18-25, 15-25, 17-15 na nagbunga ng kanilang pagtatabla sa 4-10 card.