Gusto nang tapusin ng Fresh Fighters

Laro Ngayon (Ynares Arena, Pasig City)

3 p.m. – Hapee Fresh Fighters vs Cagayan Rising Suns

MANILA, Philippines – Lagyan ng tuldok ang magarang pagbabalik sa amateur basketball ang pagtutuunan ngayon ng Hapee Fresh Fighters sa pagbangga uli sa Cagayan Rising Suns sa Game Two ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ganap na ika-3 ng hapon magsisi-mula ang tagisan at asahan ang mainit na suporta mula sa mga panatiko ng Hapee para maisakatuparan ang malaking seleb-rasyon sa araw na ipinagdiriwang ang Chinese New Year. Lumapit ang multi-titled Hapee sa isang panalo tungo sa kam-peonato nang kunin ang 82-74 panalo sa Rising Suns noong Lunes.

Isang 15-0 bomba na nagbigay ng 29-11 kalamangan sa unang yugto ang naging momentum sa Fresh Fighters para kunin ang mahalagang 1-0 kalamangan sa maigsing best-of-three series.

Alam ni Hapee coach Ronnie Magsanoc na wala pang dapat iselebra dahil nakauna lang sila at dapat paghandaan ang gagawing pagbangon ng Rising Suns.

Sina Ola Adeogun at Troy Rosario ang siyang naging sakit ng ulo ng Rising Suns dahil ang una ay may 21 puntos , 15 rebounds at tatlong blocks habang ang huli ay mayroong 16 puntos at sila ang nagpasiklab sa malakas na panimula ng Hapee.

“We expect a tougher game but I hope Ola at Troy will be able to hold the forth again,” wika ni Magsanoc.

May kumpiyansa rin si Cagayan coach Alvin Pua na makakabangon ang koponan at maihihirit ang do-or-die game sa Lunes.

Pero kailangang manumbalik ang magandang buslo ng kanyang mga shooters para lumakas ang tsansang manalo.

Si Moala Tautuaa ay mayroong 16 puntos at 15 rebounds pero ang mga kamador sa labas na sina Abel Galliguez, Don Trollano at Adrian Celada ay nagsanib sa 0-of-14 shooting sa 3-point line.

Si Galliguez ay nagtala lamang ng tatlong puntos na ginawa lahat sa free throw line upang ang koponan na naghahatid ng 100 puntos average kada laro ay nagkaroon lamang ng 72 sa hu-ling pagtutuos. (AT)

Show comments