ANTIPOLO CITY, Philippines – Dahil sa kanilang pagdomina sa Luzon qualifier kamakailan, inaasahang magiging paborito ang Navy-Standard Insurance sa Cham-pionship round ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC sa Feb. 22-27.
Sa likod nina long-time leader Santy Barnachea at bagong hugot na si Ronald Oranza, pinangunahan ng Navy ang kompetisyon sa two-stage Luzon qualifying leg.
“Maganda itong morale-booster para sa team namin,” sabi ni Barnachea, naghari sa inaugural edition ng Ronda noong 2011.
Winalis ni Oranza, miyembro ng national team na sumama sa Navy, ang mga labanan sa Tarlac at Antipolo stages bukod sa pagiging King of the Mountain at sprint king winner.
Inangkin ni Oranza ang premyong P123,000 mula sa kanyang mga panalo.
Ang second at third placers na sina Jan Paul Morales, Barnachea at John Mark Camingao ay mula din sa Navy.
Ang iba pang Navymen na sasabak sa Championship round ay sina Navymen Lloyd Lucien Reynante, Joel Calderon, Rudy Roque at El Joshua Carino na tumapos sa top 20 ng Luzon phase.
Ang iba pang papadyak sa finale ay sina national team standout George Oco-ner, Jr., Jerry Aquino, Jr., Daniel Asto, Rustom Lim, Ronald Lomotos, Mark Julius Bordeus, Alfie Catalan at Dominic Perez.
Ang iba ay pawang mga bagito, kasama ang 17-anyos na si top junior Jay Lampawog ng 7-Eleven mula sa Villasis, Pangasinan na kababayan ni Oranza.
“It shows that we have some talented young riders out there waiting to be discovered and Ronda will come after them and hopefully hone them to become champions and national team members someday,” sabi ni Ronda executive director Moe Chulani.