Hapee nakalapit sa D-League title
Laro sa Huwebes (Ynares Sports Arena, Pasig City)
3 p.m. – Hapee vs Cagayan (Game 2, Finals)
MANILA, Philippines – Maagang itinatak ng mga higante ng Hapee Fresh Fighters na sina Nigerian import Ola Adeogun at Troy Rosario ang kanilang marka, habang ang depensa ay hindi bumitaw sa mga scorers ng Cagayan Rising Suns para kunin ang 82-74 panalo sa Game One ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 21 puntos, 15 rebounds at 3 blocks ang 6-foot-7 na si Adeogun at may 14 puntos si Rosario at sila ay nagsanib sa 14 puntos sa unang yugto para bigyan ang Hapee ng 29-11 kalamangan.
Tinapos ng Fresh Fighters ang yugto bitbit ang 15-0 bomba para makalayo mula sa 14-11 iskor.
Nakabangon ang Rising Suns sa ikatlong yugto at natapyasan ang kalamangan sa apat, 46-50, pero hindi nagpaawat si Adeogun na naghatid ng pitong puntos para makalayong muli sa 67-54.
Puwede nang angkinin ng Hapee ang titulo kung magwawagi sa Game Two sa Huwebes.
Si Bobby Ray Parks, Jr. ng Fresh Fighters ang siyang kinilala bilang MVP ng liga.
HAPEE 82 - Adeogun 21, Rosario 16, Dela Cruz 11, Amer 9, Lanete 9, Parks 6, Thompson 6, Newsome 3, Elorde 1, Long 0, Mendoza 0, Hayes 0.
Cagayan 74 - Tautuaa 16, Mabulac 14, Trollano 13, Melano 12, Salamat 7, Celada 4, Dilay 3, Galliguez 3, Flores 2, Austria 0, Tayongtong 0, Santos 0.
Quarterscores: 29-11; 45-32; 67-54; 82-74.
- Latest