Caluag magbibigay pa ng karangalan sa bansa

MANILA, Philippines – Nangako si BMX rider Daniel Caluag na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para makapagbigay pa ng karangalan sa Pilipinas.

Ito ay matapos niyang tanggapin ang Athlete of the Year award mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA) sa idinaos na Annual Awards Night na handog ng Milo at San Miguel Corp. kagabi sa 1Esplanade sa Pasay City.

Nakasama ni Caluag, ang tanging Filipino ahlete na nag-uwi ng gintong me­dalya mula sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea, si Philippine cycling president Abraham Tolentino.

Ang iba pang pinarangalan ay ang National University (President’s award), ang MVP Sports Foundation Inc. (Sports Patron of the Year), ang 1973 Philippine men’s basketball team (Lifetime Achievement Award), si Purefoods head coach Tim Cone (Excellence in Basketball), ang Mitsubishi (Hall of Fame), sina Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo) at sina Princess Superal at Tony Lascuna (Gol­fers of the Year).

Show comments