MANILA, Philippines - Isang batang chess player at isang swimmer ang tatalunin bilang Milo Junior Athletes of the Year sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night na handog ng MILO at San Miguel Corp. sa Lunes sa 1Esplanade sa Pasay City.
Si International Master Paulo Bersamina at ang 10-taong gulang na tanker na si Kyla Soguilon ang siyang tatanggap ng parangal dahil sa impresibong resulta sa mga larong sinalihan noong 2014.
Si Milo sports executive Andrew Neri ang siyang maggagawad ng tropeo kina Bersamina at Soguilon na naipakita rin ang kahalagahan ng leadership, discipline, perseverance at integrity in life, para maabot ang tagum-pay at magsilbing inspirasyon sa mga kabataan.
Ito ang ikatlong sunod na taon na magbibigay ng ganitong parangal ang PSA sa Awards Night na nga-yong taon ay suportado ng Meralco, Smart at MVP Sports Foundation ay mga principal sponsors at ang Philippine Sports Commission (PSC) bilang major sponsor.
Naging isang IM si Bersamina nang pangunahan ang U-20 division sa 15th ASEAN Age Group Chess Championships sa Macau habang si Soguilon ay naghatid ng karangalan sa dalawang malalaking torneo, kasama ang 16th Royal Bangkok swimfest na kung saan lumangoy siya ng anim na gintong medalya.
May ayuda rin ang Air21, National University, PAGCOR, ICTSI, Accel, Maynilad, PBA, Rain or Shine, PCSO, El Jose Catering, Globalport at 1Espnade sa gabi ng parangal kung saan si Fil-Am BMX rider Daniel Caluag ang siyang tatanggap ng PSA Athlete of the Year award nang ibigay niya ang natatanging gintong medalya sa Pilipinas sa Incheon Asian Games.
Sina Quinito Henson at Patricia Bermudez-Hizon ang mga emcees at guest performers ang NU Pep Squad.
Bibigyan din ng award ang National University (President’s award), ang MVP Sports Foundation Inc. (Sports Patron of the Year), ang 1973 Philippine men’s basketball team (Lifetime Achievement Award), coach Tim Cone (Excellence in Basketball), Mitsubishi (Hall of Fame), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo) at sina Princess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year).