Celtics lusot sa Hawks; Cavs bumawi sa Miami
BOSTON -- Hindi kontento si Boston Celtics coach Brad Stevens sa naitalang comeback victory laban sa Eastern Conference-leading na Atlanta Hawks.
“For 47 minutes, 59.8 seconds, we were the losing team,’’ sabi ni Stevens matapos ang scoop shot ni Evan Turner sa huling 0.2 segundo na nag-akay sa Celtics sa 89-88 paglusot kontra sa Hawks.
Ito lamang ang pa-ngatlong pagkatalo ng Atlanta sa calendar year, ngunit ang mga ito ay nangyari sa loob ng 10 araw makaraang magposte ng 19-game winning streak para sa best record sa NBA.
“I don’t think they played their best game,’’ ani Stevens. “They’ve been on the road for three games; they’ve had a miraculous couple of months of basketball. They missed some shots late, and we were fortunate.’’
Nagtala si Jared Sullinger ng 17 points at 15 rebounds para sa Celtics, naipanalo ang apat sa huli nilang limang laro.
Tumapos naman si Turner na may 12 points, 9 assists at 7 rebounds.
Humakot si Al Horford ng 22 points at 12 rebounds sa panig ng Hawks, may pinakamaraming panalo pa rin sa NBA at magpapadala sila ng NBA record-tying na apat na players sa All-Star Game sa New York.
Ang huling koponan na nakapagpasok ng apat na players sa All-Star roster ay ang Boston noong 2011.
Sa Cleveland, umiskor si LeBron James ng 18 points laban sa kanyang mga dating teammates at anim pang Cavaliers ang umiskor sa double figures para talunin ang Miami Heat, 113-93.
Ito ang pang-14 panalo ng Cleveland sa nakaraang 15 laro.
Umiskor si Timofey Mozgov ng 20 points kasunod ang 17 ni Tristan Thomson para sa huling home game ng Cavaliers bago ang All-Star break.
Dahil sa panalo, naiganti ng Cavs ang kanilang Christmas Day loss sa Miami na siyang unang laro ni James kontra sa Heat na inihatid niya sa dalawang titulo at apat na sunod na Finals.
- Latest