MIAMI – Gusto ni Dwyane Wade na maglaro sa All-Star Game pero hangga’t maaari ay nais niyang maging healthy sa kabuuan ng season.
Kaya ang paglalaro niya sa All-Star Game ay isang sugal.
Inihayag ng Miami Heat guard na hindi siya makikita sa aksyon sa midseason showcase ng NBA, isang desisyon na kanyang ginawa dahil sa pag-iingat niya habang nagpapagaling ng hamstring injury.
Hindi nakita sa huling anim na laro ng Heat si Wade at patuloy na magpapahinga sa pagsagupa ng Miami sa Cleveland Cavaliers nitong Miyerkules ng gabi.
“I felt like this was best,’’ sabi ni Wade. “I wasn’t going to play much either way. I think with the circumstances, I think the smartest thing to do is let someone else come in and really enjoy the All-Star experience. ... I think I owe it to the Heat fans to at least play in a Heat jersey first than go out there in the All-Star Game and play a couple minutes.’’
Ibinunyag naman ni NBA Commissioner Adam Silver na si Kyle Korver ng Atlanta ang siyang papalit kay Wade sa Eastern Conference roster.
Sinabi ni Wade na si Milwaukee guard Brandon Knight, ipinanganak sa Miami, ang mas angkop sana niyang kapalit.