DAVAO DEL NORTE, Philippines – Hangad na panatilihin ang integridad ng sports, pinamunuan ng Davao del Norte ang kampanya laban sa paggamit ng performance-enhancing drugs.
Sa huling 81 araw bago ang pamamahala sa Pa-larong Pambansa 2015, inorganisa ng probinsya ang Sub-National Anti-Doping Conference.
Nakatuwang ng Davao del Norte sa kampanya ang Philippines Sports Commission (PSC) at ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
Ayon kay Governor Rodolfo del Rosario, na-ngako ang kanilang probinsya na pananatilihin ang integridad sa sports, partikular na sa taunang sporting event na Palaro, sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa fair play at promosyon ng drug-free culture sa hanay ng mga athletes.
Sinabi pa ni Del Rosario na hindi papayagan ng mga Palaro officials ang paggamit ng banned performance-enhancing substances.
“Never will we allow doping to directly challenge the fairness of the competition,” sabi ni Del Rosario sa idinaos na commitment campaign sa anti-doping in sports sa Bulwagan ng Lalawigan, Mankilam, Tagum City.
Higit sa 200 coaches, trainors, medical doctors at nurses mula sa Davao Region ang dumalo sa event na kauna-unahan sa Mindanao.
Sinabi ni Dr. Alejandro Pineda, Jr., ang Medical Director and Doping Control Head ng PSC na layunin sa komperensya na maikalat ang information sa anti-doping sa sports.