MANILA, Philippines - Hindi maaaring makalaro si Fil-Tongan Moala Tautuaa para sa Gilas Pilipinas maliban na lamang kung gagawin siyang naturalized player.
Ang nanay ni Tautuaa na si Romanita ay isang Filipina mula sa Cabanatuan ngunit nakuha ng 26-gulang na si Tuatuaa ang kanyang Philippine passport kamakailan lamang.
Sinabi kamakalawa ni SBP executive director Sonny Barrios na pananatilihin ng FIBA ang patakaran na ang isang foreign-born player ay dapat makakuha ng passport ng bansang kanyang kakatawanin bago maging 16-anyos.
Si Tautuaa ay nag-lalaro ngayon sa PBA D-League. Nadiskubre siya sa US ni Filipino coach Ariel Vanguardia na kumuha sa kanya bilang import ng Westports Malaysia Dragons sa ABL. Kinumpirma ni Vanguardia na hindi nakatanggap si Tautuaa ng Philippine passport bago siya mag-16.
“FIBA allows one naturalized player for each country and that’s it. So a Fil-Am born in the US can only play for the Philippines if he obtains a Philippine passport before turning 16. In fairness, (FIBA secretary-general) Mr. (Patrick) Baumann is asking for suggestions on any other way to control the practice of transforming foreigners into locals but I don’t think there’s a better way to do it. On our part, we just have to advise Fil-Am families in the US or Fil-foreigner families anywhere in the world that if they have a son or daughter who would like to play for the Phi-lippine national team, he or she should get a passport before turning 16. Perhaps, we could request our embassies to make this known,” sabi ni SBP senior advisor Moying Martelino na nagsilbing Asian Basketball Confederation (ngayon ay FIBA Asia) secretary-general sa loob ng siyam na taon at naging FIBA Central Board member.
Ang naturang rule ng FIBA ang siya ring dahilan para di rin makalaro si Fil-Am Jordan Clarkson ng Los Angeles Lakers sa Gilas.
Ayon kay Martelino, hindi nasasaklaw ng naturang FIBA rule ang mga Fil-foreign player na ipinanganak sa Philippines.
Isang halimbawa si Gilas cadet player Matt Ganuelas-Rosser ng Talk ‘N’ Text na ipinanganak dito sa Pinas ngunit lumaki sa US pero nakakuha siya ng Philippine passport bago siya mag-16. Dahil ipina-nganak si Rosser dito sa Pinas, puwede siyang maglaro sa Gilas. (QH)