MEMPHIS, Tenn. – Hindi pinayagan ng Memphis Grizzlies na makadalawa ang Atlanta Hawks laban sa pinakamahusay na koponan sa Western Conference.
Nagtala si guard Mike Conley ng 21 points at 6 assists, habang humakot si center Marc Gasol ng 16 points at 10 rebounds sa 94-88 panalo ng Grizz-lies kontra sa Hawks.
Dalawang gabi matapos gibain ang Western Conference-leading Golden State Warriors, tumabla ang Hawks sa 86-86 sa No. 2 Memphis matapos ang three-point shot ni Mike Scott sa hu-ling 3:24 minuto.
Umiskor naman ang Grizzlies ng walong sunod na puntos para tiyakin ang kanilang panalo.
“We did what we do,’’ sabi ni Conley. “We keep it close as long as we can and try to outwork you at the end. We were able to get a couple of possessions to go our way.’’
Naiiba ang laro kum-para sa 124-116 panalo ng Hawks laban sa Warriors.
Mas pinili ng Grizz-lies na bagalan ang laro at gawing pisikal.
“We’re a physical team and we beat you up for four quarters and hopefully it wears you down,’’ ani Conley. “But (Atlanta) has played against every style you can play against and they’ve beat everybody.’’
Kumolekta si Zach Randolph ng 11 points at 15 rebounds, habang nag-ambag si Kosta Koufos ng 10 points at 7 rebounds para sa Memphis na dinomina ang Atlanta sa rebounding, 55-37.
Sa Toronto, sinamang-palad ang San Antonio na kinakitaan ng pinakamasamang shooting sa season para maghintay pa ng isang laro si coach Gregg Popovich na mailista ang kanyang ika-1,000th career win.
May 31 lamang sa 93 buslo ang naipasok ng Spurs (.333) na mas masama kumpara sa .344 marka nang lasapin ang 81-98 pagkatalo sa Houston noong Nobyembre 6, sanhi ng kanilang 82-87 pagyuko sa Toronto Raptors.
Pumasok ang Spurs sa laro bitbit ang siyam na panalo sa huling 11 laro pero bigo sila na bigyan ng makasaysayan na panalo si Popovich matapos dumayo sa Toronto.