DALLAS -- Hindi pa makakabalik sa laro si Rajon Rondo bago ang 2015 NBA All-Star break dahil magpapagaling pa ang Dallas point guard ng kanyang eye injury.
Nabalian si Rondo ng orbital bone sa kanyang kaliwang mata.
Sinabi ng Mavericks na hindi makakalaro si Rondo sa huling tatlong asignatura ng koponan bago ang NBA All-Star break.
Hindi makikita si Rondo sa mga laro ng Dallas laban sa Portland Trail Blazers, Los Angeles Clippers at Utah Jazz.
Nabalian din si Rondo ng ilong nang maluhuran ang kakamping si Richard Jefferson makaraang mapatid kay Elfrid Payton ng Orlando Magic noong Enero 31.
Sa 21 laro matapos dalhin sa Dallas mula sa Boston dahil sa trade ay nagtala si Rondo ng mga averages na 9.2 points at 6.5 assists per game.