PORTLAND, Ore. – Habang tumatanda ay lumalakas si LaMarcus Aldridge, nagiging madali ang rebounding para sa kanya at may kinalaman ang kanyang mga teammates dito.
Ang four-time All-Star ay may 19 points at 13 rebounds para sa kanyang team-record na 220th double-double at iginupo ng Portland Trail Blazers ang Phoenix Suns, 108-87 nitong Huwebes ng gabi.
Sinabi ni Aldridge noong na ginamit siya ni dating Blazers coach Nate McMillan bilang big man na puwedeng maging guard.
“I think now our defense is better. I’m at the rim more, I’m in the paint more, so I think it’s just a mindset of knowing, I’m in the paint, so go and get it,’’ sabi ni Aldridge.
Nagdagdag si Nicolas Batum ng 20 points at sa ikalawang laro ni Robin Lopez matapos mawala ng 23-games dahil sa nabaling kanang kamay ay tumapos ito ng 11 points at 12 rebounds para sa Blazers na nanalo ng kanilang ikalawang sunod matapos ang three-game skid.
Sa Cleveland, tumugtog si Iman Shumpert ng harmonica sa locker room habang nagbibihis ang kanyang mga teammates matapos ang isang magaang na panalo.
Sa isang sulok ay isinuot ni LeBron James ang isang tight black T-shirt na may nakasulat na RWTW sa harapan.
Ang initials ay na-ngangahulugan ng “Roll With The Winners.”
Umiskor si James ng 23 points, habang may 24 si Kevin Love para pagbidahan ang Cleveland Cavaliers sa 105-94 panalo sa Los Angeles Clippers.
Ito ang pang-12 sunod na panalo ng Cavaliers.
Nagposte ang Cavs ng 32-point lead sa third quarter na nagbigay ng pagkakataon kina James at Love na magpahinga sa fourth period para paghandaan ang kanilang laro laban sa Indiana Pa-cers sa Biyernes.
Sa kanilang pinakamahabang winning streak matapos ang franchise-best na 13-games noong 2010, umangat ang Cavs sa first place sa Central Division.
“Long-term,” sabi ni James, “that’s exactly how we want to play. A very, very good win for us.”
Noong Jan. 16 ay tinalo rin ng Cavs ang Clippers, 126-121.