Hapee nakauna, Cebuana nakasilat

Laro SA LUNES

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – Cebuana Lhuillier

vs Cagayan

4 p.m.  – Café France

vs Hapee

 

MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng Hapee Fresh Fighters ang pagkakaroon ng mas mataas na ranking habang nakasilat ang fourth seed na Cebuana Lhuillier Gems sa pagbubukas kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May 20 puntos si Garvo Lanete habang nilimitahan ng depensa ng Hapee sa nakakadismayang 26% shooting ang Café France Bakers tungo sa 74-58 panalo para hawakan ang 1-0 kalamangan sa maigsing best-of-three series.

Tinapos ng Gems ang 11-game winning streak ng Rising Suns sa pamamagitan ng 89-85 panalo sa ikalawang laro.

Kailangan na lamang ng Hapee at Cebuana  Lhuillier na manalo uli sa Lunes para umabante na sa Finals na isa ring best-of-three series.

Ang 58 puntos ng Bakers ay mas mababa sa 59.55 puntos na ibinigay ng Fresh Fighters sa elimi-nation round upang maisantabi ang pagkakaroon lamang ng isang  manla-laro na nasa double-digits sa labanan.

“I thought we played good defense today. But Café France is a disciplined team and are capable of bouncing back,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc.

Tumapos ang  Hapee taglay ang 43% shooting sa 22-of-51 habang ang Bakers na nasa semifinals sa unang pagkakataon ay nagsalpak lamang ng 18 sa 68 na binitiwan, kasama ang 5-of-34 sa 3-point area.

Nagawa pang buma-ngon ang Rising Suns at ang tres ng bagong pasok na si John Tayongtong sa huling 18 segundo ang tumapos sa 19-7 palitan para dumikit sa tatlo 88-85, may 18 segundo sa orasan. (AT)

Show comments