^

PM Sports

Harden pinaglaruan ang Bulls; Thunder pinapak ang Pelicans

Pang-masa

HOUSTON -- Dismayadong pinanood ni Chi­ca­go Bulls coach Tom Thibodeau ang kanilang ka­biguan sa mga kamay ni Houston Rockets guard James Harden.

“Guys like that, you’ve got to guard them with your whole team and they still have the ability to make,’’ sabi ni Thibodeau. “You have to stay the course against them.’’

Umiskor si Harden ng 27 points para banderahan ang Rockets sa 101-90 panalo kontra sa Bulls.

Nagpakawala si Harden ng 15 markers sa se­cond quarter na nakatulong sa Rockets na ma­kapagtayo ng malaking kalamangan at hindi na ni­lingon pa ang Bulls.

Ito ang ikatlong sunod na kabiguan ng Chicago.

Pinaglaruan lamang ni Harden si Chicago small forward Jimmy Butler sa one-on-one para umiskor ng 13 sunod na puntos sa pagtatapos ng first half.

Ngunit mas ikinasiya niya ang kanilang mahusay na depen­sa.

“Every night, that’s our motto is to be aggressive,’’ wika ni Harden. “We have so many guys that can come in and play that we don’t worry about getting tired.’’

Pinamunuan ni Butler ang Bulls sa kanyang 27 points, habang may 23 si Derrick Rose.

Sa New Orleans, nagsalpak si Russell Westbrook ng career high na 45 points para panguna­han ang Oklahoma City  Thunder  sa 102-91 panalo laban sa New Orleans Pelicans.

Iniwanan ng Pelicans sa 91-89 sa huling anim na minuto sa fourth quarter, sumandal ang Thunder kay Westbrook para sa kanilang panalo.

Sa Toronto, tumipa si Jarrett Jack ng 24 points, ha­bang nagdagdag ng 22 si Alan Anderson para tulungan ang Brooklyn Nets sa 109-93 panalo laban sa Toronto Raptors.

Ipinatikim ng Nets ang unang kabiguan ng Rap­­tors sa huling 10 laro laban sa kanilang mga ka­­ribal sa Atlantic Division ngayong season.

Nagdagdag si Joe Johnson ng 12 points para sa Brooklyn, nakamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos maipatalo ang lima sa kanilang hu­ling anim na laro.

Naglaro sa ikalawang pagkakataon makaraang magpahinga ng 11 laro dahil sa kanyang rib injury, naglista si guard Deron Williams ng 11 points sa lo­ob ng 33 minuto.

vuukle comment

ALAN ANDERSON

ATLANTIC DIVISION

BROOKLYN NETS

DERON WILLIAMS

DERRICK ROSE

HOUSTON ROCKETS

JAMES HARDEN

JARRETT JACK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with