Sa pag-angkin sa titulo ng 6th Le Tour Pagrereserba ng lakas sikreto ni Lebas
BAGUIO City – Nagbunga ang pagrereserba ng lakas ni Thomas Lebas ng Japan-based Bridgestone Anchor Cycling Team para tanghaling kampeon ng katatapos na 2015 Le Tour de Filipinas na handog ng Air21 katuwang ang MVP Sports Foundation kamakalawa.
Hinahabol lamang ni Lebas sina Stage 1 winner Eric Thomas Sheppard ng Taiwanese continental team na Attaque Team Gusto at ang natanggalan ng koronang si Mark Galedo ng 7-Eleven Roadbike Philippines ng apat na segundo at isang segundo lamang, ayon sa pagkakasunod papasok sa Lingayen-Baguio Stage 4 kung saan sumabay siya sa pag-arangkada ng mga Iranians.
“I just followed them (Sheppard at Galedo) in Stage 2 and 3. I had no plans of attacking because Im only seconds behind,” pahayag ni Lebas na nagrehistro ng kabuuang oras na 13 hours, 40 minutes at 49 seconds matapos ang apat na araw na 532.5 kilometer race na suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon at mga road partners na Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX.”
Walang ginawang pagkilos si Lebas sa Stage 2 na pinagwagian ng isang diabetic rider na si Scott Ambrose ng Team Novo Nordisk at Stage 3 na pinangunahan naman ni Hariff Salleh ng Malaysian Continental team na Terengganu.
Hindi naman nanghinayang si Galedo bagama’t nakawala sa kanyang kamay ang titulo sa tanging UCI–sanctioned roadrace dito sa Pilipinas na inorganisa ng Ube Media Inc. na pinamumunuan ni Donna Lina-Flavier.
“Ganun talaga. Ginawa naman natin lahat at nagkaroon ng koordinasyon,” pahayag ni Galedo. “Talagang ang puntirya ay ang Stage 4. Ito talaga ang pinaghandaan namin. Sa Stage 2 and 3, pahinga lang kami. Hindi rin naman kumilos ‘yung mga nasa likod natin saka ‘yung nanalo. Pinaghandaan din nila talaga itong bundok na ito (Baguio).”
Tinanghal na team champion ang Tabriz Petrochemical na sinundan nina Bridgestone Anchor at Pishgaman Giant. Si Oleg Zemiakov (Ka-zakhstan National Team) ang tinanghal na Best Young Rider, habang si Ambrose, ang points classification champion at si Hossein Askari Askari (Pishgaman Giant) ang hinirang na King of the Mountain.
- Latest