MANILA, Philippines - Kabuuang 88 slots, kasama ang walo para sa junior riders, ang nakataya sa pagdaraos ng Ronda Pilipinas 2015, inihahandog ng LBC, ng dalawang qualifying legs sa Visayas sa Pebrero 11-13 at sa Luzon sa Pebrero 16-17.
Sinabi kahapon ni Jack Yabut, ang administration director ng Ronda, na ang 54 spots ay ilalaan para sa three-stage Visayas qualifier, habang ang 34 ay pag-aagawan sa two-stage Luzon elimination.
“Since we didn't push through with our Mindanao qualifying leg, we decided to add the slots at stake from 30 to 50 plus the top four junior riders,” sabi ni Yabut. “In Luzon, we will get 30 elite riders and four juniors.”
Ang Stage One ng Visayas ay pakakawalan sa Negros Oriental Provincial Capitol at magtatapos sa Sipalay City Plaza (172.7 kilometers para sa elite at 120.2 kms para sa juniors).
Ang Stage Two ay magsisimula sa Bacolod City Plaza at magtatapos sa Bacolod Government Center via Don Salvador Benedicto at San Carlos (158 kms para sa elite at 110.5 kms para sa juniors) sa Pebrero 12, habang ang Stage Three ay bubuksan sa Negros Occidental Provincial Capitol at isasara sa Cadiz City (123 kms para sa elite at juniors).
Magtutungo naman ang Ronda sa Norte para Luzon qualifier.