Laro sa Huwebes (The Arena, San Juan City)
2 p.m. – Hapee vs Café France Bakers
4 p.m. – Cagayan vs Cebuana Lhuillier
MANILA, Philippines – Nakakuha ng solidong numero ang Café France Bakers sa kanilang mga guards para tapusin ang laban ng baguhang Bread Story-Lyceum Pirates, 81-68, sa pagtatapos ng PBA D-League Aspirants’ quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Umiskor si Aaron Jeruta ng 22 puntos at nagtambal sila ni Rodrigue Ebondo sa mahalagang atake sa ikatlong yugto para iwanan na nang tuluyan ang Pirates.
Kinuha ng tropa ni coach Edgar Macaraya ang quarter, 31-14, at tinapos ang yugto gamit ang matinding 16-3 palitan upang ang 52-53 iskor ay maging 68-56 kalamangan.
Si Jeruta ay may 22 puntos, habang sina Ebondo at Sedurifa ay nagsanib sa 22 puntos para selyuhan ang pagharap sa top seed at walang talong Cagayan Valley Rising Suns sa best-of-three semifinals.
Nauna nang umabante sa Final Four ang beteranong Cebuana Lhuillier Gems sa Jumbo Plastic Giants, 85-81, para kunin ang karapatang sukatin ang No. 2 seed Hapee Fresh Fighters.
Si Paul Zamar ang nagdala sa opensa ng Gems sa huling yugto.