MANILA, Philippines – Nakatakdang hirangin si Mike Nieto ng Ateneo Blue Eaglets bilang Most Valuable Player ng 77th UAAP juniors basketball tournament.
Matapos ang 14 laro, si Nieto ay naglista ng 75 Total Statistical Points.
Si Nieto ay nakasosyo sa unang puwesto sa scoring kasama si Aljun Melecio ng La Salle Zobel sa kanyang 16.4 points per game bukod sa paggiging ikalawa kay National University Bullpups Mark Dyke sa rebounding sa kanyang 11.9 boards average.
Ang kamador ng NU na si Dyke na may 13.4 points average para pumang-anim sa kategorya at pumangalawa sa MVP race sa kanyang 65.8572.
Ang kakambal ni Nieto na si Matt ay nasa ikatlo sa MVP race bitbit ang 64 TSP.
Ang Ateneo ay nasa UAAP Finals at bitbit ang ‘thrice-to-beat’ advantage sa makakalaban na mula sa step-ladder semifinals.
Bago maganap ang step-ladder ay magkikita muna ngayon ang NU at Adamson sa isang playoff para sa No. 2 seeding.
Ang Bullpups, Baby Falcons at La Salle-Zobel ay magkakasalo sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.