^

PM Sports

Preparasyon sa SEAG‘di apektado ng PSC policy

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi maaapektuhan ng pag­hahanda ng Pilipinas para sa 2015 Southeast Asian Games sa Singa­pore  para sa ga­ga­wing pagpigil sa tu­long pi­nan­syal sa mga NSAs na hindi makaka­sumite ng mga doku­men­to sa Commission on Audit (COA).

Ito ang tiniyak ni Philippine Sports Com­mis­sion chairman Ricardo Garcia na minamada­li rin ang mga NSAs na sundin ang mga reg­lamento ng COA pa­ra maaksyunan ang ka­nilang mga request sa board meeting na gagawin sa Martes.

“Ang lahat ng hindi makaka-comply, pasen­sya muna. Ang allo­wance ng mga atleta ay tuloy, pero ang travel, exposure at equipment, ay wala muna,” wika ni Gar­cia

Kasama sa mga do­ku­mentong dapat isu­mi­­te ng mga NSA ay ang kanilang SEC re­­gis­tration bukod sa re­­­kognisyon mula sa Phi­­­lippine Olympic Com­­­mittee (POC) at ng ka­­­ni­lang international fe­de­ra­tion.

Aminado naman si POC treasurer at Chief of Mission ng SEAG Julian Camacho na hindi sila makakagalaw sa ba­gay na ito dahil reglamento ito ng pamahala­an.

“Wala tayo magagawa. They (NSAs) have to follow patakaran ng PSC. If now, wala sila bud­get pang-training,” wi­ka ni Camacho.

Mahalaga sa mga national athletes ang mag­ka­roon ng magandang kam­pan­ya sa darating na SEAG sa Singapore sa Hunyo da­hil nais ng bansa na makaahon mu­la sa pinakamasamang pag­tatapos sa kasaysa­yan  ng paglahok sa bien­nial games.

Nagtapos sa pang-pitong puwesto ang bansa sa SEAG noong 2013 sa Myanmar. (ATan)

 

AMINADO

CHIEF OF MISSION

JULIAN CAMACHO

OLYMPIC COM

PHILIPPINE SPORTS COM

RICARDO GARCIA

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with