MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng bagitong koponan na Bread Story-Lyceum Pirates at Cebuana Lhuillier Gems na agad na mamaalam sa PBA D-League Aspirants’ Cup nang tinalo ang mga nakatunggali sa pagsisimula ng quarterfinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Tumipa si Jiovani Jalalo ng 21 puntos at walo rito ay ginawa sa huling yugto habang kinumpleto ni Louie Vigil ang mahalagang three-point play para ibigay sa Pirates ang 79-72 panalo laban sa third seed na Café France Bakers.
May 21 puntos at 10 rebounds pa si Jackson Corpuz para sa Pirates na hindi natinag kahit ang 24 puntos na kalamangan (55-31) ay nakitang naglaho at naging dalawa, 70-68, upang maihirit ang do-or-die game sa Lunes. Ang Bakers na tinapos ang single-round elimination bitbit ang 9-2 baraha, ay may twice-to-beat advantage sa labanan.
“Binigyan kami ng isa kaya sa tingin ko ay even chance ang dala namin sa Monday. Pero kailangan hindi mawala ang focus sa laro,” wika ni Pirates coach Bonnie Tan na nakapasok sa quarterfinals nang naipanalo ang huling tatlong laro sa elimination round.
Si Maverick Ahanmisi ay may 14 puntos habang nagsanib sa 22 puntos sina Joseph Sedurifa at Gelo Alolino para sa Bakers na natalo sa unang pagkakataon sa huling anim na asignatura.
Nag-init sina Paul Zamar at Allan Mangahas sa huling yugto habang ang kanilang depensa ay nilimitahan ang Giants sa siyam na puntos para makakawala sa 44-all tabla sa ikatlong yugto tungo sa 63-53 panalo.
Huling tabla sa laro ay sa 46-all bago nagtulong sina Zamar at Mangahas sa 11-2 palitan upang tiya-king may isa pang larong haharapin ang tropa ni coach David Zamar. (AT)
Bread Story-Lyceum 79 – Corpuz 21, Jalalon 21, Gabayni 9, Baltazar 5, Mbomiko 5, Daquioag 5, Vigil 5, Lao 3, Bangga 3, Taladua 2, Gamboa 0, Zamora 0, Bulawan 0.
Café France 92 – Ahanmisi 14, Sedurifa 12, Alolino 10, Cruz 8, Noble 6, Batino 6, Andrada 5, Jeruta 4, De Leon 4, Abundo 2, Galanza 1, Cortez 0, Ebondo 0.
Quarterscores: 18-18; 46-31; 58-52; 79-72.
Cebuana Lhuillier 63 – Zamar 18, A. Mangahas 12, Encisio 10, Ferrer 8, Torres 6, Bautista 3, Villahermosa 2, Guinto 2, Acibar 0, Vosotros 0, J. Mangahas 0.
Jumbo Plastic 53 – Paniamogan 14, Khobuntin 12, Rios 8, Sabellina 6, Tiongson 4, Cruz 3, Eguilos 3, Colina 2, Javier 1, Rosales 0, Terso 0, Maiquez 0, Villamor 0.
Quarterscores: 9-12; 31-27; 44-44; 63-53.