Hawks, Warriors ‘di mapigilan

MANILA, Philippines – Kapwa di mapigilan ang Atlanta Hawks at Golden State na parehong ‘di natitinag sa pangu-nguna sa Estern at Western Conference ayon sa pagkakasunod.

Sa Atlanta, bihirang magmintis ngayon sa kanyang mga tira si Al Horford para sa Atlanta Hawks.

Hindi na rin ito masyadong mahalaga dahil panay ang panalo ng Hawks.

“We always push each other to play hard,’’ sabi ni Horford. “That’s why I feel like this group is a little different when it comes to that.’’

Umiskor si Paul Millsap ng 20 points at nagdag-dag ng 19 si Horford para tulungan ang Eastern Conference-leading Atlanta sa 112-100 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Ito ang ika-16 sunod na panalo ng Hawks para sa franchise record.

Tumapos si Jeff Teague na may 15 points at 7 assist sa kabuuang 30 ng Atlanta.

Pinangunahan naman ni Thaddeus Young ang Timberwolves sa kanyang 26 points, habang may 20 si Mo Williams.

Nalasap ng Minnesota, nasa ilalim ng Western Conference standings, ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan at ika-20 sa nakarang 22 laban.

Tumitikada si Horford ng mga long jumpers, ilang 3-pointers at umiiskor sa loob ng shaded lane na nagdudulot ng matchup problems sa kanilang mga katunggali.

Nagtala si Horford ng 9-of-10 field-goal attempts at nagposte ng average na 18 points sa nakaraan nilang pitong laro.

“I have a good rhythm right now and I’m taking open shots,’’ ani Horford. “My teammates are setting me up. It’s easy.’’

Sa Oakland, Calif., kumolekta si Stephen Curry ng 22 points at 11 assists habang tumipa si Klay Thompson ng 31 points para ihatid ang Golden State Warriors sa 114-111 panalo kontra sa Boston Celtics.

“This is the point in the schedule where it gets really difficult to get up emotionally night after night,’’ ani coach Steve Kerr. “For the most part we did our job. We just didn’t have a lot of life and legs. It was a night where everybody had to fight through.’’

Ito ang ika-19 sunod na ratsada ng Warriors sa kanilang tahanan na siyang pinakamahabang aktibong home streak sa NBA.

Show comments