^

PM Sports

Chinese-Taipei at Japan tutulong sa Phl sports

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bansa ang handang makipagtulu­ngan sa Pilipinas para tu­­ma­as ang lebel ng a­tleta ng bansa.

Ang Chinese-Taipei at Japan ang mga bansang nagpahayag ng ka­­­handaan na pumasok sa MOA sa Philippine Olympic Committe.

“Iba ito sa mga MOA na ginagawa ng PSC sa ibang bansa. Ito ay bet­ween the National Olympic Committees at gi­nagawa ito ng POC pa­ra madagdagan ang op­tions ng mga NSAs pa­ra sa pagsasanay ng ka­nilang mga atleta,” wi­ka ni POC chairman Tom Carrasco Jr.

Mismong si Carrasco ang siyang nakipag-usap sa Chinese-Taipei at ang secretary-general na si Kevin Chen ang siyang naghayag ng kahandaan na makipagpalitan ng ka­alaman sa larangan ng pa­lakasan sa Pilipinas.

“Nanalo ang Chinese-Taipei ng gold sa Lon­don Olympics sa taek­wondo at isa ito sa as­pect na puwede na­ting magamit. Anytime ay handang magpirmahan ang magkabilang panig pa­­ra maayos ang usapin ng pagtutulungan,” sabi pa ni Carrasco.

Sa kabilang banda, ang Japan ay nais ding ma­kipagtulungan sa Pi­lipinas at isa sa mga NSAs na makikinabang di­to ay ang gymnastics.

Sinisipat din lamang ang petsa kung kailan libre ang mga opisyales ng Pilipinas at Japan pa­ra maisara ang usapin.

Naghahangad ang Pi­lipinas na makaba­ngon mula sa ika-pitong pu­­westong pagtatapos sa SEA Games noong 2013 pa­ra sa ga­ganaping Singa­pore SEA Games at ma­laki ang mai­tu­tulong ng sports ties na ito sa dalawang ban­sa kung maisasaayos agad. (ATan)

vuukle comment

ANG CHINESE-TAIPEI

CARRASCO

CHINESE-TAIPEI

KEVIN CHEN

NATIONAL OLYMPIC COMMITTEES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTE

PILIPINAS

SHY

TOM CARRASCO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with