OAKLAND, Calif. -- Isinigaw ng sellout crowd ang pangalan ni Klay Thompson.
Parehong tumayo ang magkabilang bench at ikinagulantang ang kanilang napanood.
Ipinagpatuloy ng kanyang mga kakampi ang pagbibigay kay Thompson ng bola na hindi naman tumigil sa pagtirada.
“They just kept wanting to see the show,” ani Thompson. “That’s what they kept telling me.”
Naglista si Thompson ng league record para sa pinakamaraming puntos sa isang quarter matapos kumamada ng 37 points sa third period at igiya ang Golden State Warriors sa 126-101 paglampaso sa Sacramento Kings.
“I was one of the luckiest NBA players ever to play with Michael Jordan, Tim Duncan, David Robinson and some of the greatest players ever,” ani Warriors coach Steve Kerr. “As many spectacular things as Michael did, which he did nightly, I never saw him do that.”
Tumapos si Thompson na may career-high na 52 points na pinalakpakan ng 19,596 fans sa Oracle Arena.
Tumipa ang All-Star hopeful ng 13-of-13 fieldgoal shooting, kasama ang league-record na siyam na 3-point shots sa isang quarter.
Ito naman ang franchise-best na ika-18 sunod na home victory ng Warriors.
Binura ni Thompson ang 33-point mark ni George Gervin noong 1978 na pinantayan ni Carmelo Anthony noong 2008 para sa pinakamaraming puntos sa isang quarter.
Sa Phoenix, nagsalpak si James Harden ng 20-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer para ibigay sa Houston Rockets ang 113-111 panalo kontra sa Phoenix Suns.
Nakabangon ang Suns mula sa 16-point deficit para itabla ang iskor sa 111-111 bago ang pagbibida ni Harden para sa Rockets.
Sa Atlanta, umiskor si Paul Millsap ng 22 points para sa 103-93 panalo ng Hawks laban sa Oklahoma City Thunder.