MANILA, Philippines - Sasalo uli ang A-damson Lady Falcons sa mahalagang ikaapat na puwesto sa pagharap sa inspiradong UST Tig-resses sa pagpapatuloy ng 77th UAAP wo-men’s volleyball nga-yon sa The Arena sa San Juan City.
Ang laro ay magsisi-mula matapos ang unang tagisan sa ganap na ika-2 ng hapon sa hanay ng FEU Lady Tamaraws at UE Lady Warriors.
Nais ng Lady Tamaraws na wakasan ang dalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng Tig-resses at La Salle Lady Archers para malaglag sa ikaanim na puwesto sa 3-5 baraha.
Mahalaga ang panalong makukuha ng FEU upang hindi lumayo ang mga nangungunang koponan na naghahabol din ng upuan sa Final Four.
Hindi naman magi-ging problema ang planong wakasan ang losing streak kung maglalaro nang husto ang mga inaasahan lalo pa’t ang Lady Warriors ay hindi pa nananalo matapos ang walong laro.
May 3-4 baraha ang Lady Falcons at na-ngangailangan ng panalo para makatabla uli ang nanggugulat na UP Lady Maroons na nasa ikaapat na puwesto bitbit ang 4-4 karta.
Tinalo ng Adamson ang UST sa first round sa larong umabot sa apat na set pero hindi nakakasiguro ang Lady Falcons lalo pa’t galing ang Tigresses sa 21-25, 27-25, 25-16, 25-23 panalo sa FEU na tumapos sa kanilang pagtatalo sa 5-games.
Ang mga beteranang sina Carmela Tunay, Marivic Meneses at Pam Lastimosa ang mga aa-sahan pero mahalagang bagay sa asam na panalo ng UST ang ipakikita ng mga pamalit tulad ni Cherry Ann Rondina na gumawa ng 16 puntos sa huling laro.
Tiyak na magiging handa sina Mylene Paat, Amanda Villanueva, Faye Janelle Guevara at Jessica Galanza upang mapanatiling matatag ang paghahabol ng upuan sa semifinals.