Hapee, Cagayan magkakasukatan
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagkakataon ang Hapee Fresh Fighters na makita kung totoo ba ang pamamayagpag ng kanilang koponan sa pagharap sa palabang Cagayan Valley Rising Suns sa pagpasok ng pa-ngalawa sa huling laro sa PBA D-League Aspirants’ Cup elimination round ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang match-up sa pagitan nina Ola Adeogun at number one roo-kie pick Moala Tautuaa ang isa ring tututukan sa tagisan ng dalawang walang talong koponan na magsisimula dakong alas-4 ng hapon.
Unang laro ay sa pagitan ng Cebuana Lhuillier Gems at MP Hotel Warriors sa ganap na ika-12 ng tanghali bago ang laban ng Jumbo Plastic Giants at MJM Builders dakong alas-2 ng hapon.
Magkatabla ang Gems at Giants sa mahalagang ikaapat na puwesto sa 6-4 karta pero kung magwawagi ang una at matalo ang huli, ang Cebuana ang ookupa sa upuan at magkakaroon pa ng twice-to-beat advantage.
Pero kung manatiling magkatabla ang dalawang koponan matapos ang la-rong ito, ang Giants ang hahawak sa puwesto dahil tinalo nila ang Gems sa unang pagtutuos.
Nakikita ni Hapee coach Ronnie Magsanoc na magandang karanasan para sa kanyang koponan ang makalaban ang Rising Suns dahil nakarating na ito sa finals sa liga.
May 9-0 baraha ang Rising Suns at tulad ng Hapee ay umabante na sila sa semifinals bilang top-two teams.
Makakasama na ni head coach Alvin Pua ang kanyang team matapos silbihan ang three-game suspension nang banggain ang referee sa naipanalong laro kontra sa Giants. (AT)
- Latest