MANILA, Philippines – Inamin ni Los Angeles Lakers guard Kobe Bryant na naiisip na niyang magretiro matapos ang season, ayon sa isang Los Angeles Times report.
Nang tanungin kung nasa isip na niya ang pagreretiro matapos ang season, tumango si Bryant at sinabing, “I’d be lying if I said that it hasn’t crossed my mind. Right now I doubt it ... but anything’s possible.”
Ayon kay Bryant, may ilang isyu na maaaring tumapos sa kanyang career.
“My body is hurting like crazy, around the clock, and if I don’t want to do this anymore, I won’t do it,” wika ni Bryant.
Iiwanan ng 36-anyos na si Bryant ang $25 milyong kontrata kung tuluyan na siyang magreretiro matapos ang season.
Samantala, sinabi ni LeBron James ng Cleveland Cavaliers na maganda na ang pakiramdam niya matapos ang tatlong laro sapul nang magkaroon ng injury sa likod at kaliwang tuhod.
Nagpahinga si James ng walong laro dahil dito at nagbalik sa line-up ng Ca-valiers at nagtala siya ng average na 33.7 points at 7.7 rebounds laban sa Phoenix Suns, Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.
Sa Milwaukee, hindi makakalaro si Bucks point guard Ken-dall Marshall sa natitirang mga laro sa season bunga ng napunit na anterior cruciate ligament.
Nalasap ni Marshall ang injury sa second quarter sa panalo ng Bucks laban sa New York Knicks noong Huwebes sa London.
Sa Boston, isang linggo matapos mahugot si Chris Douglas-Roberts sa isang trade ay pinakawalan ng Celtics ang point guard.
Nakuha ng Celtics si Douglas-Roberts mula sa Los Angeles Clippers sa isange three-team deal na nagdala kay guard Austin Rivers sa Clippers.