MEMPHIS, Tenn. – Nagtala si Zach Randolph ng 20 points at 15 rebounds, nagdagdag si Beno Udrih ng 17 points kabilang ang dalawang key baskets sa final minute nang igupo ng Memphis Grizzlies ang Portland Trail Blazers, 102-98 nitong Sabado ng gabi.
Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Memphis na lumamang ng hanggang 20-points sa second half ngunit nakalapit ang kalaban sa 95-93 nang komunekta si Damian Lillard ng tres, 1:06 minuto na lang ang natitira sa third quarter.
Ang 20-footer ni Udrih bago maubos ang shot clock ang nakatulong para mamintena ng Memphis ang bentahe.
Komunekta si Lillard ng isa pang tres may 27 segundo na lang ang natitira ngunit ipinasok ni Udrih ang 22-footer sa huling 8.7 segundo ng labanan para sa panalo.
Pinarisan nina Jeff Green at Courtney Lee ang 17-points ni Udrih habang tumapos si Marc Gasol ng 15.
Pinangunahan ni LaMarcus Aldridge ang Portland sa pagtatala ng 32 points, 18 rebounds sa se-cond half, habang tumapos si Wesley Matthews ng 25 points. Umiskor naman si Damian Lillard, nahirapan sa unang tatlong quarters, ng 23 points kabilang ang 10 sa fourth nang magbalik ang Portland.
Ito ang unang three-game losing streak ng Portland ngayong season.
Sa Chicago, tinitingnan ng Atlanta Hawks ang mga koponang nasa kanilang ibaba sa Eastern Conference patungo sa second half ng season.
Sa kanilang magandang opensa at mahigpit na depensa, maaaring magtagal ang Atlanta sa itaas.
Nagtala si Kyle Korver ng season-high na pitong 3-pointers sa kanyang 24 points at tinalo ng Hawks ang Chicago Bulls 107-99 para sa kanilang ika-12 sunod na panalo.
Nagdagdag si Al Horford ng 22 points at nine rebounds nang pantayan ng Hawks ang second-longest win streak ng kanilang franchise history. Tumapos si Paul Millsap ng 16 habang si Jeff Teague ay may 17 points at 11 assists.
Sa Houston, umiskor sina Stephen Curry at Klay Thompson ng tig-27 points at humataw ang Golden State Warriors sa third quarter tungo sa 131-106 panalo kontra sa Houston Rockets.