Bosh, Deng nanguna para sa Heat sa paggupo sa Sacramento Kings

SACRAMENTO, California — Kumolekta si Chris Bosh ng 30 points at nagdagdag ng 25 si Luol Deng para tulungan ang Miami Heat sa 95-83 panalo laban sa Sacramento Kings.

Gumamit ang Miami ng solidong depensa pa­ra limitahan si high-sco­ring center DeMarcus Cousins ng Sacramento.

Nagdagdag si rookie point guard Shabazz Na­pier ng 12 points, 5 assists at 6 rebounds pa­ra sa Heat.

Hindi nagamit ng Mia­mi si leading scorer Dwyane Wade sa ikala­wang sunod na la­ro bu­nga ng hamstring strain nito.

Hindi rin nakita si Wade, magdiriwang ng kanyang ika-33 kaara­wan ngayon, sa pitong la­ro noong Nobyembre dahil sa  hamstring inju­ry.

Tumapos si Cousins na may 17 points at 11 rebounds sa pa­nig ng Kings, nakamit ang ika­la­wang sunod na kabi­gu­an.

Tumipa si Cousins ng malayang 4-of-12 fieldgoal shooting at may 3 points lamang sa ka­buuan ng second half bunga ng depensa sa kan­ya ng Miami.

Nagdagdag si Ben Mc­Lemore ng 15 mar­kers kasunod ang 13 ni Darren Collison para sa Sacramento.

Ang perimeter shot ni Napier ang nagbigay sa Heat ng 86-66 sa 6:41 minuto ng fourth quarter at hindi na nili­ngon pa ang Kings.

Sa Los Angeles, nagpasabog si guard Kyrie Irving ng 37 points kasunod ang 32 ni LeBron James para igiya ang Cleveland Cavaliers sa 126-121 panalo kontra sa LA Clippers.

Nagdagdag si Tristan Thompson ng season-high na 24 points at 12 rebounds bilang kapalit ni Kevin Love, sumakit ang likod matapos ang ka­nilang panalo sa La­kers kamakalawa.

Sa Toronto, kumala­wit si Al Horford ng 22 points, habang may 16 si Paul Millsap para pamunuan ang Atlanta Hawks sa 110-89 pag­gu­po sa Raptors at ilista ang kanilang 11-game winning streak.

 

Show comments