LOS ANGELES -- Nagpasabog si LeBron James ng 36 points at winakasan ng Cleveland Cavaliers ang kanilang six-game losing slump mulas a 109-102 panalo kontra sa Los Angeles Lakers.
Nag-ambag si Kyrie Irving ng 22 points para sa Cleveland, nauna nang naipatalo ang siyam sa huli nilang 10 laro at napigilan ni James si Kobe Bryant ng Los Angeles sa final canto sa laro ng dalawang basketball icons.
Naglista naman si Bryant ng 19 points at career-high 17 assists para sa Lakers.
Umiskor si Bryant ng isang 3-pointer sa 1:54 minuto at umiskor ng dalawang free throws sa huling 43 segundo para idikit ang Lakers sa 99-103 agwat.
Ngunit iniwanan ni James si Bryant para sa isang acrobatic layup sa huling 20.9 segundo kasunod ang mintis na jumper ni Bryant na sumelyo sa panalo ng Cavaliers.
Tumipa si Jordan Hill ng 20 points para sa pang-siyam na kabiguan ng Lakers sa huli nilang 12 laban.
Sa Houston, humugot si James Harden ng 15 sa kanyang 31 points para tulungan ang Houston Rockets sa 112-101 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.
Sa London, umiskor si O.J. Mayo ng 22 points para pamunuan ang 95-79 paggupo ng Milwaukee Bucks sa New York Knicks.