MANILA, Philippines - Inangkin ng Ateneo Lady Eagles ang liderato matapos ang first round ng 77th UAAP women’s volleyball.
Hindi nakalasap ng kabiguan ang nagdedepensang kampeon matapos ang pitong laro sa torneo at makikita sa istatistiko kung bakit nagawa ito ng mga Lady Eagles.
Ang Ateneo ang nanguna sa kategorya ng Best Spikers (37.71% success rate), Best Diggers (9 average by set), Best Setters (8.96 average by set) at Best Receivers (28% efficiency).
Sa individual category, ang nagdedepensang MVP na si Alyssa Valdez ng Ateneo ang siyang namamayagpag.
Una siya sa scoring sa 155 total hits (22.1 average), pumangalawa sa Best Spikers (40.19% success) at pangalawa sa Best Servers (0.68 average by set).