MANILA, Philippines - Muling nagtayo ang San Miguel ng isang double-digit lead sa first half subalit tiniyak ng Beermen na hindi na sila bibitaw lalo na sa fourth quarter.
Itinabla ng San Miguel ang kanilang championship series ng Alaska matapos sikwatin ang 88-70 panalo sa Game Four sa 2014-2015 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagposte ang Beermen ng isang 29-point lead sa third quarter patungo sa 2-2 pagtabla sa kanilang best-of-seven championship showdown ng Aces.
Umiskor si guard Alex Cabagnot ng 22 points, ang 16 dito ay kanyang ginawa sa first half kung saan lumamang ang SMC franchise.
Inilista ng San Miguel ang 23-point lead, 49-26, sa halftime ngunit naibaba ito ng Alaska sa 56-73,-10:23 minuto ng fourth quarter.
Ngunit muling nakalayo ang San Miguel sa 82-60 sa huling 4:41 minuto ng sagupaan. SAN MIGUEL 88 - Cabag-not 22, Tubid 13, Lutz 11, Fajardo 11, Santos 11, Lassiter 10, Kramer 6, Ross 2, Semerad 2, Omolon 0, Pascual 0, Maierhofer 0, Fortuna 0, Chua 0.
Alaska 70 - Abueva 22, Manuel 9, Exciminiano 8, Baguio 6, Hontiveros 6, Jazul 5, Banchero 4, Thoss 4, Dela Rosa 4, Menk 2, Eman 0, Espinas 0, Dela Cruz 0, Casio 0.
Quarterscores: 33-16; 49-26; 73-49; 88-70.