MANILA, Philippines - Tututukan ng POC ang paghahanda na gagawin ng mga kasa-ling National Sports Associations (NSAs) sa SEA Games upang matiyak na magiging palaban ang kanilang mga atleta sa kompetisyong gagawin sa Hunyo.
Sa pagdalo ni Chief of Mission at POC treasurer Julian Camacho sa kauna-unahang ses-yon ng PSA Forum sa Shakey’s Malate para sa 2015 ay nag-uumapaw ang kanyang paniniwala na kaya ng ipadadalang pambansang delegasyon na higitan ang ikapitong puwestong pagtatapos sa Myanmar noong 2013.
“For sure, we will do better,” wika ni Camacho sa delegasyong maaaring katawanin ng 350 hanggang 400 atleta.
Nagkaroon lamang ng 29 ginto 34 pilak at 38 bronze medals ang isinagupa sa Myanmar para lasapin ang pinakamababang pagtatapos sa kasaysayan ng paglahok ng bansa sa tuwing kada-ikalawang taong kompetisyon.
Magagawa ng Pilipinas na bumangon kahit nabawasan ang mga events na kung saan malakas ang mga national athletes.
Nangyari ang pagbabawas sa mga larong taekwondo, judo, wushu at billiards at sa tantiya ni Camacho ay nasa 10 hanggang 12 ginto ang mawawala sa bansa.
Pero kayang bawiin ito kung magtatrabaho ang lahat ng NSAs.
May 36 sports na pag-lalabanan sa Singapore at 33 ang sasalihan ng bansa.
“Kung ang mga me-dal-rich sports na athle-tics, shooting, swimming, gymnastics at dragon boat ay manalo ng tig-limang ginto, that is already 25 gold me-dals. If at least 10 NSAs, including boxing, wushu and taekwondo, can win at least two gold me-dals, then we are assured of 45 gold medals that is higher that the gold me-dals we won in Myanmar and might place us in fifth spot,” paliwanag pa ni Camacho.
Para mangyari ito, babantayan ng task force ang pagsasanay ng mga mapipiling atleta na sa ngayon ay wala pa dahil hindi pa kumpleto ang isinumiteng listahan ng mga posibleng atleta na kandidato sa dele-gasyon. (AT)