MANILA, Philippines – Idaraos ng Philippine Sportswriters Association ang unang (PSA) Forum para sa taong 2015 ngayon at ang unang tatalakayin ay ang kampanya ng bansa sa 28th Southeast Asian Games.
Walang iba kungdi si Philippine Chef De Mission Julian Camacho ang tatalakay tungkol sa SEAG sa weekly public sports program na ginaganap sa Shakey’s Malate na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at hatid ng Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Inaasahang tatalakayin ni Camacho ang preparas-yon ng mga atleta at ang kanilang tsansa sa SEAG na gaganapin sa June 5-16 sa Singapore.
Hinihiling ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror na dumalo ang mga miyembro ng asosasyon sa unang sesyon ng PSA para sa taong ito.