NEW ORLEANS – Nagkasundo ang Memphis Grizzlies, Boston Celtics at New Orleans Pelicans sa five-player trade na magdadala kay forward Jeff Green mula Boston patungong Memphis, ayon sa taong may kinalaman sa sitwasyon na ayaw magpakilala dahil hindi pa inihahayag ang trade at wala pang formal approval mula sa NBA na maaaring mangyari nitong Lunes ng gabi.
Mapupunta si forward Tayshaun Prince mula Memphis sa Boston at lilipat si forward Quincy Pondexter mula sa Memphis papuntang New Orleans.
Dahil sa trade, mapupunta rin si Austin Ri-vers, 10th overall pick noong 2012, mula New Orleans sa Boston at 2014 second-round pick point guard Russ Smith, patungong Memphis.
Ibibigay din ng Memphis ang protected first-round draft choice sa Boston at second-rounder sa New Orleans.
Inaasahang sa pamamagitan ng trade ay mas gaganda ang opensa ng Memphis na mahigpit na nakikipaglaban sa pangunguna para sa Southwest. Ang Grizzlies (25-11) ay nangu-nguna sa division hanggang sa matalo sa New Orleans noong Biyernes na kanilang ikaanim na talo sa 10-games.
Si Green ay may team high average na 17.6 points para sa Boston ngunit ang Celtics (12-23) ay nasa prose-so ng rebuilding. Ang Grizzlies ay palaban pa sa Western Conference playoff at nasa likuran ng Dallas sa standings ng Southwest division.
Sinimulan ni Pondexter ang kanyang career sa New Orleans, na nakakuha sa kanya sa pamamagitan ng trade sa Oklahoma City sa first-round ng 2010 draft.