CHICAGO – Umikot ang laro ng Chicago Bulls kay Pau Gasol simula umpisa hanggang matapos ang laban at walang dahilan para bigyan ng puwang ang iba.
Nagtala si Gasol ng career-high na 46 points bukod pa sa 18 rebounds para makabangon ang Bulls sa dalawang sunod na masamang talo matapos ang 95-87 pana-lo kontra sa Milwaukee Bucks nitong Sabado.
“He wasn’t going to let us lose tonight,’’ sabi ni coach Tom Thibodeau.
Si Gasol ay 17-for-30 mula sa field at 12-for-13 mula sa line sa kanyang 20th double-double sa season. Siya ang unang player na nagtala ng 46 points at 18 rebounds para sa Chicago sapul nang magsumite si Michael Jordan ng 69 points at 18 rebounds sa 117-113 overtime victory sa Cleveland noong March 28, 1990, ayon sa STATS.
“You start making your first couple of shots, your teammates start looking for you, and I was able to find good spots and get in rhythm,’’ sabi ng 34-gulang na si Gasol. “I give a lot of credit to my teammates. They made a lot of plays for me and looked for me a lot of times.’’
Nagdagdag si Kirk Hinrich ng 16 points para sa Chicago at si Jimmy Butler ay may 9-points, career-best 10 assists at eight rebounds sa opener ng three-game homestand.
Sa Portland, tumirada si LaMarcus Aldridge ng 25 points at ipinalasap ng Portland Trail Blazers sa Orlando Magic ang pang-anim na sunod na kabiguan nito sa bisa ng 103-92 panalo.
Nagtala si Aldridge ng 10-of-22 fieldgoal shooting para itabla ang Blazers (29-8) sa Golden State Warriors para sa pinakamaraming panalo sa NBA ngayong season.
Umiskor si Wesley Matthews ng 18 points, kasama rito ang dalawang free throws na nagbigay sa Blazers ng 87-85 abante sa huling 3:56 minuto.
Ang Portland ay may limang players na nagtala ng double figures.