^

PM Sports

Cebuana magpapalakas para sa twice-to-beat

Pang-masa

MANILA, Philippines – Palalakasin uli ng Cebuana Lhuillier Gems ang paghahabol sa mahalagang twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa pagbangga sa Wangs’ Basketball Couriers sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO  Gym sa Cubao, Quezon City.

Natalo sa huling laro sa kamay ng Café France Bakers sa overtime, 62-67 kailangan ngayon ng Gems na manalo sa kanilang laro na magsisimula dakong alas-4 ng hapon para manatiling nakadikit sa Jumbo Plastic Giants may 6-3 baraha at siyang nakaupo sa mahalagang ikaapat na puwesto sa team standings.

Dahil sa pagkatalo sa Bakers, ang Café France ang siyang kumuha sa isa sa dalawang twice-to-beat advantage na ibibigay sa papangatlo at papang-apat na koponan matapos ang single round elimination.

Ang Café France ay sasalang din kontra sa AMA University Titans sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali at pakay pa na mapag-ibayo ang kasaluku-yang 7-2 baraha habang ang pangalawang laro ay sa hanay ng MJM M-Builders laban sa MP Hotel Warriors dakong alas-2.

Tiyak naman na palaban ang Titans, Builders at Couriers dahil ang mga ito ay pare-parehong nasa must-win situation para makaiwas sa maagang pagbabakasyon sa liga.

Sa tatlong ito, ang Builders ang masasabing may magandang tsansa na manalo dahil ang Warriors ay isa sa dalawang koponan na namahinga na sa liga.

Ang unang anim na koponan matapos ng elimination round ay magpapatuloy ng laban habang ang anim na mangungulelat ay magbabakasyon na.

Ang unang dalawang koponan ay didiretso na sa semifinals at ito ay hawak na ng dalawang wala pang talong koponan na Hapee Fresh Fighters at Cagayan Valley Rising Suns sa magkatulad na 9-0 baraha. (AT)

ANG CAF

BASKETBALL COURIERS

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRANCE BAKERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

HOTEL WARRIORS

JUMBO PLASTIC GIANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with