MANILA, Philippines - Lumamang ang Beermen ng 22 points sa first period at 14 points sa third quarter.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman ni head coach Leo Austria kung ano ang nangyari at bakit natalo ang San Miguel sa Alaska sa overtime, 82-88 sa Game One ng kanilang championship series noong Miyerkules.
“We started strong, led by 22 points at the end of the first quarter and then I don’t know what happened,” wika ni Austria.
Umiskor ang bench ng Aces ng kabuuang 61 points kumpara sa 20 ng Beermen bukod pa sa mahigpit na depensang ibinigay nina 6-foot-9 Sonny Thoss at 6’6 Eric Menk kay 6’10 June Mar Fajar-do sa kabuuan ng laro.
Ito ang ilan sa mga bagay na naisip ni Austria na naging dahilan ng kanilang kabiguan.
“A major factor was the Alaska bench outsco-ring ours, 61-20. There’s also their tough, tough defense and they’re not drawing fouls,” ani Austria. “Si June Mar (Fajar-do), mukhang napagod.”
Hindi nakaiskor sa extra period si Fajardo, tumapos na may 14 points at 17 rebounds.
Ang naturang tagum-pay ng Alaska ang nagbigay sa kanila ng 1-0 bentahe sa best-of-seven titular showdown nila ng San Miguel.
Hangad ng Aces na maiposte ang mala-king 2-0 kalamangan sa kanilang title series ng Beermen sa Game Two ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sinabi ni Alaska small forward Calvin Abueva na hindi sila puwedeng magkumpiyansa sa Game Two lalo na kontra sa Beermen.
“Hindi pa tapos ito. Marami pang game na dadaanan at gagawin kaya focus lang at stay humble,” wika ng 6’2 na si Abueva.