Austria vs Compton sa PBA All-Stars kung...
MANILA, Philippines - Dahil sa kanilang pagpasok sa PBA Philippine Cup Finals ay may pagkakataon sina San Miguel coach Leo Austria at Alaska mentor Alex Compton na imando ang dalawang koponan sa 2015 PBA All-Star Game na siyang tampok sa annual all-star festivities sa Marso 5-8 sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Ibabalik ang PBA mid-season spectacle sa North-versus-South format maliban na lamang kung maka-kabuo si coach Tab Baldwin ng Gilas Pilipinas pool.
Kapag nangyari ito ay hihilingin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa PBA ang isa pang All-Star match kung saan sasagupain ng national team ang PBA All-Star.
“Right now, the plan is to bring back the North-South match. But the PBA can change the plan if there’s a request from Gilas,” sabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial.
Nagbayad ang Nickel Asia Corp., isang higanteng mining company kung saan kabilang ngayon si da-ting PBA governor JB Baylon, sa PBA ng P2 milyon para maging organizers ng 2015 All-Stars na idaraos sa Puerto Princesa sa ikalawang pagkakataon sa loob ng limang taon.
Inaasahang magpapartisipa si boxing icon and Kia playing coach Manny Pacquiao sa event sa Palawan kung saan kasalukuyang Governor si Columbian Autocar Corp. boss Jose Alvarez.
Bilang No. 1 sports idol ng bansa, maaaring maisama si Pacquiao sa South team kasama sina James Yap, June Mar Fajardo, Greg Slaughter at Asi Taulava.
Puwede ring isali si Pacquiao ng Kia sa three-point shootout o maging sa Obstacle Challenge.
Ang mga top candidates para sa North team ay sina All Stars Mark Caguioa, Arwind Santos, Marc Pingris, Ranidel de Ocampo at Jayson Castro. (NB)
- Latest