Donaire planong bumalik sa featherweight
MANILA, Philippines - Tapos na si Nonito Donaire Jr. sa featherweight division matapos ihayag ng kanyang kampo na plano nilang bumalik sa junior featherweight (122 pounds) sa kanyang susunod na laban na napabalitang mangyayari sa Mayo sa Macau.
Sinabi ni Cameron Dunkin, manager ni Donaire kay Dan Rafael ng ESPN.com na napagtanto ng five-division champion na mabigat ang kanyang laban sa featherweight (126 pounds) division.
“That’s what we are trying to do and he’s going to fight at 122,” sabi ni Dunkin.
Lumasap si Donaire ng sixth round knockout loss sa mas malaki at mas malakas na si Nicholas Walters upang isuko ang WBA Super World fea-therweight title noong October ng nakaraang taon.
Bumagsak ang Filipino-American fighter sa third at sixth rounds tungo sa kanyang unang knockout loss.
Bago labanan si Walters, tinalo ni Donaire sina Vic Darchinyan at Simpiwe Vetyeka sa parehong division.
Ngayon, tangka ni Donaire ang matagumpay na pagbabalik sa ‘di pa natutukoy na kalaban.
“We’ve talked about it but don’t know who we are going to fight yet. But Nonito wants to fight and we’ll get him fighting again. He knows he can’t fight at that weight [126 pounds]. He can beat a lot of featherweights, don’t get me wrong. But he’s used to beating everyone and being the best. He’s going back to 122 where he can do that,” paliwanag ni Dunkin.
Sa junior featherweight, sinabi ni Dunkin na makakabalik si Donaire sa dating porma na nagpanalo sa kanya ng mga titulo sa flyweight, super flyweight, bantamweight, super bantamweight at featherweight.
“He won some fights at 126, but he didn’t look like the Nonito we were used to. After [the Walters fight] was over, he said, ‘You’re right, I can’t fight these guys at 126. They’re just too big.’ So he’ll go back down to 122 and become a champion again. He’s not done and he has a lot of pride,” ani Dunkin. (DM)
- Latest