Waiters ibinigay ng Cavaliers sa Thunder
CLEVELAND, Philippines – Pinilit ng Cavaliers na huwag mawala sa team si Dion Waiters pero hindi na sila makatiis.
Ibinigay ng Cleveland ang shooting guard sa Oklahoma City nitong Lunes ng gabi para makuha sina guards J.R. Smith at Iman Shumpert mula sa New York Knicks sa three-team deal.
Bumagsak ang Cavaliers sa 19-16 matapos matalo sa Philadelphia at ibinigay si Waiters sa Oklahoma City kapalit ng kanilang 2015 first-round pick.
Ibinigay din ng Cavs sina reserves Lou Amundson at Alex Kirk pati na ang kanilang 2019 second-round pick sa Knicks, na may 5-32 record at desperadong mapaluwag ang kanilang salary-cap space.
Nakuha rin ng New York si forward Lance Thomas mula sa Oklahoma City.
Dalawang taon nang hinahanapan ng Cavs ng deal si Waiters, ang No. 4 overall pick at sa wakas ay nakahanap din sila ng deal. Sina James at All-Star point guard Kyrie Irving ay parehong hindi lumaro kontra sa Sixers dahil sa injuries.
- Latest