MANILA, Philippines - Ayos na ang lahat para sa super fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. Kontrata na lang ang kulang.
Binuksan ang betting lines, isang buwan na ang nakakaraan kung saan lamang si Mayweather bilang 3-1 favorite laban kay Pacquiao.
May page na sa Wikipedia, ang online encyclopedia, para sa laban na pinag-uusapan na bagama’t hindi pa sigurado kung mangyayari ito.
Kahapon, nakita sa website na www.boxrec.com <http://www.boxrec.com> , ang pinaka-extensive at res-petadong boxing website kung saan makikita ang mga updated records ng professional boxers-- active at retired – ang schedule ng Mayweather vs Pacquiao sa May 2, 2015 na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas.
Kumalat ang balita pero binura din ang post makalipas ang ilang oras.
Ang tanong ngayon: Bakit nag-post ang Boxrec ng ganun bagama’t wala pang formal announcement?
O di kaya ay may kinalaman ang Boxrec sa nangyayaring negosasyon sa pagitan ng kampo ni Pacquiao at Mayweather. May napagkasunduan na ba?
Makikita sa BoxRec, may 50,000 visitors at may one million page views araw-araw sapul noong 2008 ang record ng 17,000 active at 345,000 non-active boxers sa kanilang database.