^

PM Sports

Donaire nagkamali ng desisyon sa pag-akyat ng dibisyon sa 2014

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos kilalanin bi­lang Fighter of the Year noong 2012, na­ging pabagu-bago na ang re­sulta ng mga laban ni world four-division champion Nonito ‘The Fi­lipino Flash’ Donaire, Jr. noong 2014.

Noong Mayo 31 ay ni­labanan ni Donaire si Simpiwe Vetyeka ng South Africa para sa World Boxing Associa­tion (Super) featherweight title sa The Vene­tian sa Macau, China.

Ito ang unang laban ng tubong Talibon, Bo­hol matapos matalo kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba noong Ab­ril 13, 2013 para sa WBA Super at WBO su­per bantamweight belts at manalo kay Vic Dar­chinyan ng Armenia sa isang non-title fight para sa rematch ng kanilang 2007 bout.

Ito rin ang unang pag­kakataon na lumaban si Donaire sa feather­weight division makaraang magkampeon sa flyweight, super flyweight, bantamweight at super bantamweight class.

Laban kay Vetyeka, pi­nabagsak ni Donaire ang South African sa fourth round sa pama­ma­gitan ng kanyang ban­tog na left hook.

Itinigil ang laban bago ang pagtunog ng bell para sa fifth round da­hil sa malaking pu­tok sa kaliwang mata ni Do­naire mula sa isang accidental headbutt.

Nanalo si Donaire kay Vetyeka via unanimous technical decision.

Bagama’t nanaig kay Vetyeka ay lumitaw naman ang pagkawala ng kanyang lakas at liksi sa featherweight category.

Sa kanyang ikalawang sunod na laban sa nasabing dibisyon ay hinarap ni Donaire si WBA Regular featherweight titlist Nicholas Walters ng Jamaica noong Oktubre 18 sa Carson, California para sa undercard ng Gennady Golovkin vs. Marco Antonio Rubio bout.

Ito ang unang pagde­depensa ni Donaire sa kan­yang suot na WBA (Super) featherweight crown.

Mas kuminang ang la­kas ni Walters matapos pabagsakin si Donaire nang una ang mukha sa canvass sa 2:59 minuto ng sixth round kasunod ang pagpapahinto ni re­feree Raul Caiz, Jr. sa la­ban.

Bago ito ay napapu­tok muna ni Walters ang kanang mata ni Donaire sa fourth round.

Pinuri ni Donaire si Walters sa pamamagitan ng kanyang Facebook page matapos ang kanyang kabiguan.

“I’m honored I lost to him in the fight we had. I hit him with everything I had and he just kept coming. Thanks to all my friends family and fan who believed in me and still believe in me. I love u all. God bless,” dagdag pa nito.

Dadalhin ng 32-an­yos na Filipino bo­xing star ang kanyang 33-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 21 knockouts.

Sinasabing magbaba­lik sa boxing ring si Do­naire sa Marso ng susunod na taon sa kanyang pagbaba sa super ban­tam­weight diviison. (Russell Cadayona)

 

DONAIRE

FIGHTER OF THE YEAR

GENNADY GOLOVKIN

GUILLERMO RIGONDEAUX

KANYANG

MARCO ANTONIO RUBIO

SHY

VETYEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with