^

PM Sports

Sa taong 2014 bumandera si Pacquiao sa boxing at nakapaglaro sa PBA

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa taong 2014 ay na­tupad ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang isa sa kanyang mga pa­ngarap at ang muling pag­semento sa kanyang pa­ngalan bilang best ‘pound-for-pound boxer’ sa buong mundo.

Matapos resbakan si Timothy Bradley, Jr., tumalo sa kanya no­ong Hunyo ng 2012, sa kanilang rematch no­ong Abril para mu­ling maisuot ang World Bo­xing Organization (WBO) welterweight belt, ay tinutukan naman ni Pacquiao ang isa pang sport na malapit sa kanyang puso -- ito ay ang bas­ketball.

Sa taas na 5-foot-6 at edad na 35-anyos ay hi­nirang ng Team Kia si Pacquiao bilang No. 11 overall pick sa 2014 PBA Rookie Draft no­ong Agosto.

Ginawa ni Pacquiao ang PBA debut sa 80-66 panalo ng Kia laban sa expansion team na Blackwater sa pagbubu­kas ng 40th season ng PBA Noong Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bo­caue, Bulacan.

At matapos ang natu­rang tagumpay ay 10 mag­kakasunod na ka­ma­lasan ang nalasap ng So­rento para sa maaga ni­lang pagkakasibak ka­sama ang Elite.

Isinabay ni Pacquiao sa kanyang trabaho bilang playing coach ng Kia ang paghahanda ni­ya kay American chal­lenger Chris Algei­ri.

Anim na beses pi­nabagsak ni Pacquiao ang 5’10 na si Algieri sa kabuuan ng 12 rounds pa­tungo sa kanyang una­nimous decision victory para mapanatiling suot ang World Boxing Organization welterweight crown noong Nob­yembre 23 sa Macau, China.

Matapos ang kanyang panalo kay Algieri ay tahasang hinamon ni Pac­quiao si American world five-division titlist Floyd Mayweather, Jr.

Halos dalawang linggong inasar ni Maywea­ther si Pacquiao sa so­cial media matapos mag­lagay ng Instagram post kung saan napabagsak ni Juan Manuel Mar­quez si ‘Pacman’ na si­nabayan ng kanyang ‘Another One Bites the Dust’ ng bandang Queen.

Sinabi rin ni May­wea­ther na kaya siya gus­tung-gustong la­ba­nan ni Pacquiao ay dahil sa bumabagsak nitong po­­pularidad at kakapusan sa pera.

Sa isang panayam ng Showtime sa Dallas ay ti­nanggap ni Maywea­ther ang nasabing ha­mon sa kanya ni Pacquiao.

Itinakda niya sa Ma­yo 2 na kilala bilang ‘Cinco De Mayo’ na petsang ipinagdiriwang ng mga Mexicans.

Sinabi nina Bob Arum ng Top Rank Pro­mo­tions at Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions na malabo itong mangyari sa natu­rang petsa dahil walang dugong Mexicano sina Pacquiao at May­wea­ther.

Idinagdag ni De La Ho­ya, pinagretiro ni Pac­quiao noong 2008 matapos umiskor ng eight-round stopppage, na masyadong kompli­kado ang pagpaplantsa ng mega showdown ni­na Pacquiao at Mayweather.

Kaya naman hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito matuluy-tuloy.

“I’ve heard it for about five years. It’s very complicated,” wika ni De La Hoya.

Ibinunyag ni Arum na nakikipag-usap na siya kay CBS CEO (Chief Executive Officer) Les Moonves para sa laban nina Pacquiao at Mayweather sa susunod na taon.

Ang 35-anyos na si Pac­quiao (57-5-2, 38 KOs) ay nasa bakuran ng HBO, habang ang 37-anyos na si Maywea­ther (47-0-0, 26 KOs) ay nasa Showtime ng CBS.

Sinabi ni Pacquiao na maniniwala lamang siya sa pahayag ng 37-anyos na si Mayweather kung makikita niya ang pirma nito sa kanilang fight contract.

May iba namang op­syon na nakahanda si Arum kung hindi na naman maitakda ang Pacquiao-Mayweather fight ngayong taon.

Maaaring itapat ng 83-anyos na si Arum kay Pacquiao ang sinuman kina WBO light wel­terweight king Terrence Crawford (25-0-0, 17 KOs), WBC champion Danny Garcia (29-0-0, 17 KOs) at WBA title holder Jessie Vargas (26-0-0, 9 KOs).

 

ALGIERI

ANOTHER ONE BITES THE DUST

BOB ARUM

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

MAYWEA

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with