Nasa Lyceum na si coach Robinson

MANILA, Philippines - Ilang buwan matapos magbitiw bilang head coach ng San Sebastian Stags ay nakipagkasundo si Topex Robinson sa Lyceum para gabayan ang Pirates sa 91st season ng NCAA.

Sisimulan sa Pebrero ni Robinson ang kanyang paggiya sa Lyceum, nabigong makapasok sa Final Four sa nakaraang tatlong seasons ng NCAA.

“Not yet signed but it principle, it’s already agreed upon,” sabi ng isang source kahapon.

Sa ilalim ng pamamahala ni Robinson ay nakapasok ang Stags sa NCAA Finals noong 2011 kung saan tinalo sila ng nagkampeong San Beda Red Lions.

Noong 2012 ay nagbitiw si Robinson sa kalagitnaan ng season para ibuhos ang kanyang oras bilang assistant coach ng Alaska Milk sa PBA bago nagbalik sa San Sebastian para sa kanilang Final Four appearance sa kabila ng pagkawala nina Calvin Abueva, Ian Sangalang at Ronald Pascual.

Sa nakaraang season ay tumapos ang Stags sa eigth place mula sa kanilang 5-13 (win-loss) record.

Sa kanyang paglipat sa Lyceum, umaasa si Robinson na magkakaroon siya ng panibagong panimula.

 

Show comments