MANILA, Philippines – Isang malaking dahilan kung bakit nasa finals na ang San Miguel Beer ay dahil sa solidong paglalaro ng higanteng si June Mar Fajardo.
Ang 6’10” na si Fajardo ay naghatid ng 21 puntos, 11.75 rebounds, 3.5 assists at 1.5 blocks sa 37 minutong paglalaro para pangunahan ang Beermen sa 4-0 sweep sa Talk N’Text sa kanilang best-of-seven semifinal series.
Noong Disyembre 23 at 26 ginawa ang ikatlo at ikaapat na laro sa serye at kumamada ang 25-anyos na tubong Pinamungahan, Cebu ng pinagsamang 23 puntos, 12.5 rebounds at 3.5 assists para igawad sa kanya ang ikalawa niyang ACCEL-PBA Press Corps Player of the Week (Disyembre 23-28) citation.
Noong 2012 pumasok sa PBA si Fajar-do at nakatulong sa kanya ang paglalaro sa Gilas Pilipinas kaya’t gumaling siya at dinodomina ang liga laban sa mas maliliit na katapat.
Sa Game Three ay naging pisikal ang depensa ng Tropang Texters pero ipinagpag lamang ito ni Fajardo at tumapos taglay ang 18 puntos at siyam na rebounds.
Gumana rin ang mga kamay nina Arwind Santos at Alex Cabagnot para ibigay sa Beermen ang 3-0 kalamangan sa serye sa 96-95 dikitang panalo.
Ang Game Four ay ginawa makalipas ang tatlong araw at ang napahingang si Fajardo ay nakitaan ng pinakamaba-ngis na paglalaro sa serye sa ibinigay na 28 puntos, 16 rebounds, limang assists at dalawang blocks.
Ito na ang ika-34th pagkakataon na nasa championship ang Beermen at pa-kay nila ang ika-20th kampeonato.
“Kailangang galingan pa namin at taasan pa ang aming intensity dahil walang madaling laro,” wika ni Fajardo.
Pinaglalabanan ng Alaska at Rain Or Shine Elasto Painters ang ikalawang puwesto sa finals na isang best-of-seven series din.