MANILA, Philippines – Kinilakla ang Hook Shot bilang pinakamahusay na two-year old horse sa taong 2014 nang pagharian ang Philracom Juvenile Championship kahapon sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Rodeo Fernandez ang pinadiskarte sa dalawang taong filly at kinuha ng tambalan ang bandera sa isang mil-yang karera sa kalagitnaan ng labanan tungo sa panalo.
Naorasan ang kaba-yong anak ng Hook And Ladder sa Local Rules ng 1:42.6 sa kuwartos na 26,24, 25, 27.6 para iuwi ang P1.5 milyong premyo mula sa P2.5 milyon na inilagay ng nagtaguyod ng karera na Philippine Racing Commission (Philracom).
Ang Driven ang naunang lumundag sa pagbubukas ng aparato pero hindi nito napangatawanan ang magandang alis at hindi tumimbang sa datingan.
Nagtangkang maka-silat ang dehadong Hurricane Ridge sa pagdiskarte ni Jeff Zarate at sa huling kurbada ay halos isang dipa na lamang ito napag-iiwanan.
Pero ilang tulak ni Fernandez ang nagpaharurot uli sa Hook Shot na tumakbo kasama ang coupled entry na Sky Hook.
Paborito ang coupled entries na pag-aari ni Joseph Dyhengco dahil ang Hook Shot ang kampeon sa ikaapat at huling yugto ng Philracom Juvenile Fillies na pinaglabanan sa race track na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI).
Nagkaroon ang win ng P7.00 dibidendo habang ang 5-8 forecast ay may ipinamahagi na P109.00 premyo.
Tatapusin ng Hook Shot ang kampanya sa taon taglay ang apat na panalo bukod sa tatlong segundo at isang tersero puwestong pagtatapos at ang kinita ay papalo sa P3.2 milyon.
Ang dating pinakamalaking premyo na napagwagian ng nasabing kabayo ay P900,000.00 noong dinomina ang 4th leg ng Juvenile Fillies.
Sa pagiging pinakamahusay na juvenile horse ng taon, ipalalagay na ang Hook Shot ay palaban para sa 2015 Triple Crown Cham-pionship na siyang prem-yadong karera para sa mga three-year old horses.
Noong 2013, ang Kid Molave ang siyang nanalo sa nasabing karera at ngayon taon ay winalis ang Triple Crown upang maging ika-sampung kabayo na nakawalis sa tatlong yugtong karera. (AT)