Smith nakatulong agad sa panalo ng Rockets

MEMPHIS – Ka­agad nakapagbigay ng kontribusyon si Josh Smith para sa Houston Rockets.

Nagtala si Smith ng 21 points at 8 rebounds para ihatid ang Rockets sa 117-111 overtime win laban sa bumubulusok na Memphis Grizzlies.

“We knew what he brought to the table,’’ sa­bi ni James Harden, binanderahan ang Houston sa kanyang 32 points at 10 assists. “All he has to do is go out there and play his game.’’

Kinuha ng Rockets ang 111-109 abante sa hu­ling 1:18 minuto sa overtime nang tumalbog ang 17-footer ni Harden.

Hinablot ni Smith ang offensive rebound ka­sunod ang mintis din ni Trevor Ariza.

Muling nakuha ni Smith ang offensive board na nagresulta sa kan­yang dalawang free throws para tiyakin ang pa­nalo ng Rockets.

Nagdagdag si Ariza ng 15 points, habang may 13 si Corey Brewer at 12 si Patrick Beverley.

Si Dwight Howard ay kumolekta naman ng 6 points, tampok ang 4-of-4 shooting sa free throw line sa overtime, at 11 rebounds para sa Houston.

Sa Dallas, umiskor si Rajon Rondo ng sea­son-high na 21 points sa kanyang ikaapat na laro para sa Mavericks at nagdagdag si Dirk No­witzki ng 14 para sa ka­nilang 102-98 panalo laban sa Los Angeles La­kers.

Nagtala rin si Rondo, nagmula sa Boston Celtics, ng 8 rebounds at 7 assists para sa pang-limang sunod na panalo ng Dallas kontra sa La­kers sa regular season.

Mula sa bench ay pi­nanood ni NBA No. 3 career scorer Kobe Bryant, pinagpahinga ng Lakers sa ikatlong sunod na laro, ang paglampas ni Nowitzki kay Elvin Hayes sa eight place sa sco­ring list.

Umangat si No­­witz­ki, ang highest-sco­­ring foreigner sa ka­­saysayan ng NBA mu­la sa kanyang 27,322 points, ng 9 points kay Hayes.

Show comments